Umapela ang Department of Tourism ng mas mababang bayad sa COVID-19 test.
Ito ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat ay para mas maraming biyahero ang mahimok na makapag biyahe sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Sinabi ni Puyat na masyadong mahal at mabigat ang halos 5,000 presyo ng RT-PCR test lalo na sa malalaking pamilya na magkakasamang magba biyahe.
Kumbinsido si Puyat na sisiglang muli ang economic activities at mabubuhay ang tourism industry kapag binabaan ang bayad sa RT-PCR test.
Samantala, nanawagan din si Puyat para mabigyan ng certification ang marami pang pasilidad na magsasagawa ng saliva based RT-PCR test tulad ng Philippine Red Cross at Research Institute for Tropical Medicine (RITM).