Umapela ng tulong ang DOT o Department of Tourism sa mga netizens, estudyante at propesyonal para sa bubuoing bagong tourism video.
Kasunod ito ng kanselasyon sa kontrata ng McCann Worldgroup Philippines ang advertising company na nasa likod ng kontrobersyal na tourism ad na sinasabing hawig sa isang South African tourism commercial.
Ayon kay Tourism Assistant Secretary Ricky Alegre, maglulunsad ang ahensya ng paligsahan para sa pinakaramagandang tourism promotion idea at slogan.
Nanawagan si Alegre sa mga netizens at iba pang mga indibwal na may mga orihinal na ideya para sa bagong tourism ad ng bansa na sumali at makiisa sa naturang contest.
By Rianne Briones