Inanunsyo na ng Philippine SEA Games Organizing Committee ang mga video games na kabilang sa kauna-unahang e-sports tournament sa 2019 Southeast Asian Games kung saan hosut ang Pilipinas.
Binubuo ito ng mga video game na Dota 2, Mobile Legends: Bang Bang, Star Craft 2, Arena of Valor at ang console game na Tekken 7.
Napili ang mga nasabing laro dahil nanguna ang mga ito sa gaming platforms na masusi nilang sinuri.
Bahagi rin ng naging konsiderasyon ang pagkakaroon ng teamwork sa naturang mga laro.
Ito ang magiging unang pagkakataon na kabilang ang e-games sa medal events ng isang major sporting competition.