Nagbanta ang grupong Bayan Muna na kakasuhan ang Department of Transportation and Communications (DOTC) dahil sa bulok na serbisyo sa Metro Rail Transit o MRT.
Ayon kay Representative Neri Colmenares, ito ay kung hindi ibabalik sa dating pasahe ng tren sa susunod na buwan.
Aniya, sa halip na gumanda ang serbisyo ng MRT dahil sa ipinatupad na taas-pasahe ay lalo pang lumala ang problema dito na nagbibigay ng araw-araw na pasakit sa mga mananakay nito.
Kasong administratibo at kriminal ang balak na isampa laban sa kagawaran at sa Global APT na maintenance provider nito.
By Rianne Briones