Bukas ang Department of Transportation (DOTC) sa mungkahi ng ilan na magpatayo ang gobyerno ng mga urban gondolas o mga cable car sa Metro Manila para masolusyunan ang mabigat na daloy ng trapiko.
Ayon kay Transportation Undersecretary Rommel Gavieta, posible itong mangyari lalo pa sa ngayon na may mga proposal o proof of concept na silang natatanggap tungkol dito mula sa mga pribadong grupo o kumpanya na kaya umanong gumawa ng cable cars sa lalong madaling panahon na walang gagastusin ang gobyerno.
“We are excited po because it looks feasible, for now and at the same time may mga interested parties who are willing to put it up at no cost to government within a very short period of time.” Pahayag ni Gavieta.
By Jonathan Andal (Patrol 31) | Sapol
Photo Credit: Reuters