Mistulang niloloko na lamang ng Department of Transportation and Communications ang mga mananakay ng MRT-3.
Ito, ayon kay DWIZ anchor at Philippine Star Columnist Jarius Bondoc, ay makaraang i-award ng DOTC sa Korean-Filipino venture ang 3 year maintenance contract para sa MRT nang walang bidding.
Iginiit ni Bondoc na hindi na nadala ang gobyerno at walang malasakit sa mga mananakay dahil ini-award ang kontrata sa mga kumpanyang wala namang karanasan sa pag-ma-mantina ng mga riles at tren.
“Ginagawa tayong tanga ng mga opisyales na parang ‘mga mangmang naman itong mga Pilipinong ito, wala namang alam sa tren ito kaya kahit anong serbisyo ang ibigay natin sa kanila papayag yan.’ Hindi nila naiintindihan na sumasakay ang mga Pilipino ng tren sa ibang bansa at nakikita nila kung ano ang mahusay na tren system. Papuslit na in-award ito sa Busan at saka sa 4 na katawa tawang mga kumpanyang Pilipino. Sinabi nila na ito ang solusyon sa glicth prone na MRT 3, kaya lang naman nagka gltch yan dahil sa kanila,”
By: Drew Nacino I Karambola