Inamin ng Department of Transportation (DOTr) na bigo silang makapagbigay ng sapat na transportasyon para sa mga manggagawang Pilipino sa unang araw ng general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila.
Ayon kay Transportation Assistant Secretary Giovanni Lopez, dahil sa kakulangan ng pampublikong transportasyon, napilitan na makisakay ang ilang commuters sa mga military trucks at nakompromiso na ang social distancing.
Ani Lopez, mismong si Transportation Secretary Arthur Tugade ay umaming bigo ang ahensya sa unang araw ng implementasyon ng GCQ.
Gayunman, iginiit ni Lopez na bumuo pa rin ng plano ang ahensya.
Aniya, talaga lamang kailangang paunti-unti at kalkulado ang pagbabalik-operasyon ng mga pampublikong transportasyon.