Nagpasalamat si Department of Transportation (DOTR) Arthur Tugade sa sambayanang Pilipino sa pagtatapos ng kanyang termino ngayong araw.
Sinabi ni Tugade, sa kabila ng iba’t ibang hamon partikular na ang banta ng COVID-19 ay nalampasan ito ng kagawaran at naipagpatuloy pa rin ang mga nakalinyang proyekto.
Maliban dito, ipinagmalaki ni tugade ang mga napaayos na mga paliparan, pantalan at mga linya ng tren na siyang naisakatuparan sa ilalim ng Duterte administration.
Dahil dito, nagpapasalamat si Tugade sa Pangulo dahil sa tiwala at kumpiyansang ibinigay sa kaniya, sa mga nakasama niya sa trabaho na walang sawa na nagpursigeng matupad ang kanilang mga target.