Nag-iinspeksiyon na ang mga tauhan ng Department of Transportation at Manila International Airport Authority kasunod ng naitalang aberya sa Ninoy Aquino International Airport kahapon.
Nabatid na naantala ang biyahe ng mga pasahero bunsod ng power outage na tumagal ng halos walong oras.
Ayon kay DOTR Secretary Jaime Bautista at MIAA General Manager Cesar Chiong, kanila nang iniimbestigahan ang aberya sa mga pasilidad ng naia at inaalam narin ang sitwasyon ng mga pasaherong naantala ang flights.
Sa ngayon balik na sa normal na operasyon ang mga biyahe sa naturang paliparan.