Muling itinanggi ng Department of Transportation o DOTr na na-pressure si resigned DOTr Undersecretary Cesar Chavez kaya’t nagbitiw ito sa puwesto.
Ayon kay DOTr Assistant Secretary Leah Quiambao, maganda ang samahan nila sa loob ng DOTr.
Lahat aniya sila ay nagulat nang biglang mag-resign si Chavez dahil magkakasama pa silang bumubuo ng plano para sa MRT-3, isang araw bago nito ini anunsyo ang pagbibitiw sa puwesto.
Sa katunayan, bukas pa rin aniya ang pinto ng DOTr para kay Chavez sakaling nais nitong magbalik sa serbisyo.
“Walang ganung nangyayari sa loob ng departamento, maganda ang samahan ng mga undersecretaries, ng mga asec pati po ni Secretary Tugade, wala pong anumang pagpi-pressure o hidwaan o alitan, in fact naglabas po ng statement si Secretary Tugade at sinasabi niya na hanggang ngayon ang kanyang trust and confidence ay naka’y Usec. Chavez pa rin.” Pahayag ni Chavez
(Karambola Interview)