Hinikayat ng mga eksperto ang Department of Transportation (DOTr) na maging transparent sa publiko at ilahad ang naging batayan nito para ipatupad ang reduced physical distancing sa mga pampublikong transportasyon.
Ayon kay Fr. Nicanor Austriaco ng UP-OCTA Research, hindi sila tiyak sa kung anong scientific evidence ang naging batayan ng DOTr para baguhin ang kanilang polisiya pagdating sa physical distancing.
Kaya naman aniya kanilang iniimbitihan ang ahensya para sa isapubliko at maipaliwanag ang kanilang naging batayan para masabing ligtas na para ipatupad ang nasabing hakbang.
Una nang inihayag ng DOTr ang pagpapatupad ng 0.75 meter mula sa dating 1 meter physical distancing sa mga pampublikong transportasyon para mas makapag sakay umano ang mga ito ng maraming pasahero.