Dinoble ng Department of Transportation (DOTr) ang equity subsidy para sa mga operators na makikiisa sa public utility vehicle (PUV) modernization program.
Sa nilagdaang department order ni Transportation Secretary Arthur Tugade gagawin nang P160,000 kada unit ng modern jeep ang ibibigay na ayuda ng gobyerno sa mga PUV operator na mayruong valid franchise.
Kasama rin dito ang PUV operators na nag-aapply para sa bagong ruta sa ilalim ng omnibus franchising guidelines.
Sinabi ni tugade na layon nitong matulungan ang mga driver at operator na makaagapay sa transition ng mga luma at bulok na jeep tungo sa modern jeepneys lalo na ngayong panahon ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Kabilang sa kuwalipikado sa pinataas na equity subsidy ang mga na apply nuon pang Hulyo 31, 2018.