Dinepensahan ng Department of Transportation (DOTr) ang implementasyon ng “No Vaccination, No Rides” policy laban sa mga kritisismo kasunod ng anunsiyong, exempted sa nasabing rules o papayagang makasakay sa pampublikong transportasyon ang mga hindi pa bakunadong indibidwal na papasok sa kanilang mga trabaho.
Ayon kay DOTr Secretary Arthur Tugade, mas malilimitahan ng naturang polisiya ang mga hindi essential travels ng mga unvaccinated individuals dahil papayagan lamang makasakay ang mga pasaherong magpapakita ng katunayan na sila ay papasok sa kanilang trabaho.
Sa kabila nito, umapela sa publiko ang DOTr na magkaroon ng kooperasyon kaugnay sa pagsunod sa ipinatutupad na batas. —sa panulat ni Angelica Doctolero