Gagawa ng hakbang ang Department of Transportation (DOTr) para magkaroon ng karagdagang pondo ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).
Sa pahayag ni DOTr Usec. for Aviation Roberto Lim, aapela ng dispensasyon ang kanilang ahensya para ma-exempt sa implementasyon ng dividend Remittance Law at magkaroon ng fund ang CAAP para sa pag-upgrade ng Air Traffic Management System.
Nabatid na bilang isang Government-Owned and Controlled Corporation (GOCC), obligado ang CAAP na magsumite ng bahagi ng kita nito sa National Government.
Ayon sa CAAP, kailangan ng kanilang ahensya ng subsidiya para sa pagsasaayos sa kanilang operation system upang maiwasan ang iba’t ibang uri ng aberya na nagdudulot ng kanseladong flights.
Matatandaang kamakailan ay nagkaroon ng technical glitch sa NAIA kung saan, libu-libong pasahero ang naapektuhan.