Muling tiniyak ng DOTR o Department of Transportation sa publiko na nananatiling ligtas ang pagsakay sa MRT o Metro Rail Transit line 3.
Ito’y makaraang limitahan ang mga tumatakbong tren sa 15 at bagalan din ang pagtakbo nito bunsod ng nadiskubreng bitak sa axle ng isa sa mga bagon nito.
Ayon kay Transportation Under Secretary Cesar Chavez, posibleng mapa-aga pa ang pagbabalik sa normal ng operasyon ng MRT 3 matapos isailalim ang mga tren nito sa safety inspection.
Kahapon, ginawa nang 17 mula sa dating 15 tren ang tumatakbo sa MRT line 3 mula nuong Miyerkules.
Kasunod nito, sinabi ni Chavez na mas nanaisin na nilang tanggapin ang mga mura at galit ng mga pasahero basta’t masiguro lamang ang kaligtasan ng mga ito.
By: Jaymark Dagala