Hindi na tatanggap ng anumang unsolicited proposals ang Department of Transportation para sa Operations and Maintenance ng Clark International Airport sa Pampanga.
Ito ang inihayag ni Transportation Secretary Arthur Tugade na nagsabing babalikatin na ng pamahalaan ang pagdedevelop, pagsasaayos at pagkukumpuni sa naturang paliparan.
Kadalasan aniya kasing nauuwi sa pagsasampa ng kaso ng mga natatalong bidder ang pagbubukas ng mga proyekto sa pribadong sektor kaya’t laging nababalam ang mga ito.
Kasunod nito, sinabi ni Tugade na aabisuhan nila ang kumpaniyang Megawide – GMR at JG Summit – Filinvest na siyang developer ng Clark Airport hinggil sa bagong panuntunan na ito ng kagawaran.
By: Jaymark Dagala