Pumalag ang liderato ng Department of Transportation sa mga batikos na ang mga bulok at palyadong tren ng MRT at LRT ang mukha ng D.O.T.R.
Ayon kay Transportation Secretary Arthur Tugade, maraming mukha ang ahensya at hindi lamang ang mga palyadong railway system.
Marami anyang inilalargang major projects ang Duterte Administration subalit hindi naman kakalimutan ang problema sa MRT at LRT.
Aminado si Tugade na marami silang problemang minana sa nakalipas na administrasyon lalo na sa mga palyadong tren at bagon pero hindi nila ugaling manisi.
Iginiit ng kalihim na hindi dapat husgahan ang D.O.T.R. sa isang aspeto lamang dahil maraming ginagawang proyekto ang ahensya para sa kapakinabangan ng taumbayan kaya’t humingi sila ng sapat na panahon at pang-unawa sa publiko para maayos at malutas ang mga minanang problema sa MRT at LRT.
By: Drew Nacino / Aileen Taliping
DOTR humingi ng pang-unawa sa publiko para maayos ang problema sa MRT at LRT was last modified: July 19th, 2017 by DWIZ 882