Inatasan ng DOTr ang Philippine Coastguard na palawigin ang deployment ng K9 units sa lahat ng railway facilities at stations sa Metro Manila.
Kasunod ito ng kambal na pagsabog sa Jolo, Sulu kung saan 15 ang nasawi.
Ipinabatid ng coastguard na apat napung K9 units ang itatalaga sa mga istasyon at pasilidad ng LRT-1, LRT-2, MRT-3 at PNR para sa mas istriktong security measures.
Kabilang sa K9 units ang K9 handlers, working dogs, veterinarians at explosive ordnance disposal specialists at suportado rin ng operations officers at quick response teams.
Sinabi ni Transportation Secretary Arthur Tugade na mahalagang ma protektahan ang mga pasahero laban sa banta ng terorismo.
Tiniyak naman ni Coastguard Commandant Admiral George Ursabia, Jr. Ang kahandaan nila sa pagbibigay ng suporta upang pagtibayan ang seguridad sa rail networks.