Inatasan ng Department of Transportation (DOTr) ang railways sector na unti-unting taasan ang maximum passenger capacity ng kanilang mga tren upang ma-accommodate ang mas maraming pasahero simula ngayong araw.
Ayon kay DOTr Secretary Arthur Tugade, ito’y bilang bahagi ng mas pinalakas na economic recovery efforts ng pamahalaan sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Dahil dito, ayon sa DOTr, mula sa 18% ay tataas na sa 30% ang passenger capacities ng mga tren ng Philippine National Railway (PNR), Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3), at Lines 1 at 2 ng Light Rail Transit (LRT).
Dagdag ng ahensya, sa susunod ay i-aakyat naman sa 50% ang maximum capacity ng mga naturang transport systems.