Inilabas na ng pamunuan ng Metro Rail Transit-3 (MRT-3) ang schedule ng operasyon ngayong holiday season.
Ayon sa abisong inilabas, sa Disyembre 24 at Disyembre 31, aalis ang unang tren sa North Avenue station sa ganap na 4:40 a.m., samantalang 7:45 p.m. naman ang huling biyahe.
Sa Disyembre 25, araw ng Pasko, at Enero 1, unang araw ng bagong taon, ay sa ganap na 6:30 a.m. ang unang biyahe, samantalang 9:10 p.m. naman ang huli.
Mula naman Enero 2 hanggang Enero 3 ay mula 5:45 a.m. hanggang 10:11 p.m. ang oras ng biyahe.
Samantala, para naman sa Taft Avenue station, 5:37 a.m. ang unang biyahe samantalang 8:42 p.m. naman ang huli sa Disyembre 24 at Disyembre 31.
Mula 6:30 a.m. hanggang 10:11 p.m. ang biyahe sa Disyembre 25, araw ng Pasko, at Enero 1, unang araw ng bagong taon.
Para naman sa Enero 2 hanggang Enero 3, 5:41 a.m. ang unang biyahe samantalang 10:11 p.m. naman ang huli.
Para sa mga hindi nabanggit na petsa, ang oras ng operasyon sa North Avenue station ay mula 4:40 a.m. hanggang 9:10 p.m.
Samantala, mula naman 5:37 a.m. hanggang 10:11 p.m. ang biyahe sa Taft Avenue station.
MAHALAGANG PAALALA:
NARITO ang oras ng operasyon ng MRT-3 mula 16 Disyembre 2019 hanggang 31 Disyembre 2019 (NORTH AVENUE STATION): pic.twitter.com/bXwtAYruL4
— DOTr MRT-3 (@dotrmrt3) December 13, 2019