Naglabas ng bagong incident reporting app at central command center ang Department of Transportation (DOTr) na tutugon sa mga aksidente sa kalsada at motor vehicle crimes.
Ayon kay Transportation Secretary Arthur Tugade, tutugunan nito ang tumataas na aksidente sa kalsada na matagal nang problema sa bansa.
Tinatawag ang mobile app na citisend na magsisilbing direktang linya ng mga nagmamaneho sa Land Transportation Office (LTO) upang agad na matugunan ang aksidente.
Ang programa ay sa pakikipagtulungan na rin ng lto, Philippine National Police Operations and Control Center. —sa panulat ni Abby Malanday