Muling ipagbabawal ang pagbiyahe ng mga pampublikong sasakyan simula bukas sa pag-iral muli ng modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila hanggang August 18.
Ipinaalala ito ng Department of Transportation (DOTr) na nagsabing tanging ang mga public shuttle lamang para sa frontline workers ang papayagang bumiyahe.
Tigil biyahe rin ang mga bus, jeep, taxi, TNVS at tren gayundin ang mga tricycle bagamat may exceptions dito sa ilalim ng mga panuntunang itinakda ng DILG at Local Government Units.
Para sa private transport papayagang bumiyahe ang mga company shuttle subalit 50% lamang ng kapasidad ang dapat na sakay samantalang pupuwede namang magbiyahe ang mga pribadong sasakyan.