Itinanggi ng Department of Transportation (DOTR) ang aksusasyon ng isang militanteng grupo na dumaranas ng mass transport crisis ang bansa.
Ito ay matapos ipahayag ni Bayan o Bagong Alyansang Makabayan secretary general Renato Reyes Jr. na nasa gitna ng mass transport crisis ang Pilipinas dahil sa pagkasira ng tatlong Mass Rail Transit system noong nakaraang Linggo.
Ayon kay Transportation assistant secretary Goddes Libiran, hindi tama na sabihing may mass transport crisis dahil nagkaroon na ng umanoy “significant improvement” ang sinasabi ni Reyes na mga riles.
Paliwanag pa nito, dumadami na ang mga rail lines sa bansa at nakikita at nasosolusyunan na ang problema sa mga ito.
Matatandaang nasunog ang rectifier ng LRT 2 noong nakaraang Linggo na nagdulot ng suspensyon ng operasyon ng naturang railway system.