Itinanggi ng Department of Transportation na mayruon silang kinikilingan na pagdating sa pagbibigay ng prangkisa sa mga transport groups.
Ito ay matapos na igiit ng ALTODAP, FEJODAP at ACTO na mas binibigyang pabor ang Pasang Masda para makakuha ng panibagong prangkisa sa mga ruta na dadaanan ng mga modernong jeepneys.
Ayon kay Transportation Undersecretary thomas Orbos , hindi pa nila inaaprubahan ang inilabas na guidelines ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board na nagsasabing nag – apply ng prangkisa ang Pasang Masda.
Giit pa ni Orbos, hindi maaring gumawa ng ruta ang mga regulators para eksklusibong gamitin lamang ng isang transport group.