Inilunsad na ng Department of Transportation (DOTr) at ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang monitoring system kung saan magsusubaybay sa mga biyahe at paglabag ng Public Utility Vehicles (PUVs).
Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra iii, maituturing itong milestone dahil ito ang kauna-unahang proyekto kung saan gumagamit na ng panibago at modernong teknolohiya para ma-monitor ng maayos ang mga enforcement activities sa bansa.
Sa tulong ng GPS, matutukoy ng LTFRB command center ang posibleng paglabag sa trapiko ng mga PUV.
Ipinabatid pa ni DOTr Secretary Arthur P. Tugade ang kahalagahan ng teknolohiya upang masiguro ang kaligtasan ng publiko lalo na ngayong panahon ng pandemya.