Magdaragdag ang Department of Transportation (DOTr) ng 50 bus para sa EDSA bus way project.
Ayon kay Transport Secretary Jaime Bautista, nakikita niya itong solusyon para mapalakas ang transportation system at masolusyonan ang problema ng trapiko sa Metro Manila.
Hinikayat din ng DOTr ang publiko na gumamit ng mass transit system tulad ng Mrt-3 at Lrt 1 at 2 upang maibsan ang masikip na daloy ng trapiko.
Una rito, inihayag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na bubuksan nito ang mahigit 50 ruta ng jeep para mapagserbisyuhan ang mas marami pang pasahero. - sa panunulat ni Hannah Oledan