Maglalagay na ng bagong air traffic monitoring system ang DOTr o Department of Transportation sa Setyembre.
Ito ay alinsunod na rin sa utos ni DOTr Secretary Arthur Tugade sa CAAP na madaliin ang pagsasagawa ng nasabing proyekto.
Magiging sakop nito ang buong airspace ng bansa na maaari nang magamit sa katapusan ng taon.
Ang paglalagay ng nasabing communications navigaton surveillance o air traffic management ay magtitiyak ng banayad na pagbiyahe ng mga eroplano at kaligtasan ng mga pasahero.
- Krista De Dios | Story from Jonathan Andal