Magsasagawa ang Department Of Transportation (DOTR) ng random antigen test sa mga pasahero ng Metro Rail Transit (MRT) at Light Rail Transit (LRT) dahil sa muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 ngayong holiday season.
Ang nasabing testing ay para sa mga pasahero na magbibigay pahintulot o mag vo-volunteer na makiisa dito.
Inatasan ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang mga enforcers mula sa Land Transportation Office, Land Transportation Franchising and Regulatory Board, at train marshals ng lahat ng railway lines na tiyaking naoobserbahan ang tamang physical distancing. —sa panulat ni Mara Valle