Mahina ang ginawang paghahanda ng mga kinauukulang ahensya ng gobyerno partikular ng Department of Transportation (DOTr) sa pagbabalik trabaho ng mga Pilipino kayat nahirapang makasakay ang mga ito.
Ayon ito kay Senate Minority Floorleader Franklin Drilon bilang indikasyon ng kakulangan sa foresight at kawalang pakiramdam sa tunay na pangangailangan ng mga mahihirap na Pilipino
Binigyang diin ni Drilon na para maibangon at mapasigla ang ekonomiya ng bansa dapat tiyaking maayos na makakapasok ang mga manggagawa ng hindi maku kumpromiso ang kanilang kalusugan.
Pinuri naman ni Drilon ang militar at pulisya sa paggamit ng kanilang resources para makatulong sa commuters samantalang ang pribadong sektor ay dapat na tulungan ang kanilang mga empleyado sa pamamagitan nang pagkakaloob ng shuttle bagamat mayruong ilang kumpanya na ang gumagawa nito. —ulat ni Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)