Nakabuo ang Department of Transportation (DOTr) ng matitibay na pundasyon sa international partnership sa isinagawang 28th Asean Transport Minister’S Meeting and Associated Meetings sa Bali, Indonesia.
Sinabi ni DOTr Secretary Jaime Bautista, tinalakay sa naturang programa ang mga panukalang kasapi sa 28th Asean Transport Minister’S Meeting.
Pinangunahan naman ito ni Indonesian Minister of Transportation Budi Karya Sumadi.
Inihayag nito ang mga malawak na plataporma para sa mga transport leaders at partners upang higit na patatagin ang kooperasyon na magsusulong ng Asean Community Building at Regional Integration, gayun din ng Kuala Lumpur Transport Strategic Plan 2021 to 2025.
Samantala, sinabi pa nito na ang 28th atm ay matagumpay na naisagawa sa magkakasunod sa ika- 54 na Asean Senior Transport Officials Meeting and Associated Meetings (STOM) para sa taong ito.