Pinaalalahanan ng Department of Transportation (DOTr) ang publiko, transport operators at driver na tuloy ang fare hike simula ngayong araw.
Ayon kay Transportation secretary Jaime Bautista, dapat munang ipaskil ng mga PUV ang bagong fare matrix bago magpatupad ng panibagong dagdag pasahe.
Simula ngayong araw, P12 na ang minimum fare sa traditional jeepney habang P14 sa modern jeepney; P13 na ang pamasahe sa ordinary bus habang P15 sa air-conditioned bus;
P45 na ang flagdown rate sa taxi habang P55 sa AUV (TNVS).
Samantala, patuloy na pinag-aaralan ng kagawaran ang hirit ng MRT-3 at LRT-2 na taas-pasahe. —sa panulat ni Jenn Patrolla