Puspusan na ang paghahanda ng Department of Transportation (DOTr) sa inaasahang pagdagsa ng turista sa bansa simula sa susunod na buwan.
Kasunod ito ng pag-apruba ng pamahalaan sa pagpasok sa bansa ng mga non-visa countries.
Ayon kay DOTr Undersecretary Raul del Rosario, nagdadag na sila ng verification officers sa Ninoy Aquino International Airport at maglalagay din sila ng sampu hanggang dalawampung additional verification booths.
Iiwasan din daw nila ang manual filling up ng mga forms at hinikayat ng mga pasahero na gawin na ito sa mga sinasakyang eroplano.
Dahil dito, inaasahang magkakaroon ng 10-percent increase sa passenger traffic sa mga paliparan.—sa panulat ni Abbi Aliño-Angeles