Nagkasa na ng fixed schedule nang bus augmentation program ng Department of Transportation (DOTr) sa MRT 3.
Ayon sa DOTr aalis ang bus ng kada limang minuto, puno man o hindi ng pasahero.
Gagamitin ng mga bus ang dedicated median lanes sa kahabaan ng EDSA para matiyak ang mas mabilis na biyahe ng mga pasahero.
Sa kasalukuyan ay mayruong loading stations ang bus augmentation ng DOTr sa MRT 3 North Avenue station at Quezon Avenue station samantalang ang unloading naman o babaan ay sa Ayala station at Taft station.
Para sa northbound ang loading stations ay sa MRT 3 Taft station at Ayala station at ang unloading o babaab ay sa Ayala station, Quezon Avenue station at north avenue station.
Sa ilalim ng MRT 3 bus augmentation program ang unang bus ay aalis ng 5:30 a.m. ng umaga habang ang huling bus ay lalarga ng 8:00 p.m. ng gabi.