Inilaan na sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) response ang aabot sa P14 bilyong pisong pondo ngayong taon ng Department of Transportation (DOTr).
Sa pagdinig ng House Committee on Appropriations sa panukalang 2021 budget ng DOTr, sinabi ni Transport Sec. Arthur Tugade na ang Deparment of Budget and Management ang nagdesisyon kung saan dadalhin ang nasabing halaga.
Kabilang na aniya rito ang Department of Social Welfare And Development at Department of Health.
Ayon kay Tugade ang dswd rin kasi ang nakatalagang mamahagi ng benepisyo ng mga driver kung saan nanggaling sa land transportation and regulatory board ang listahan ng mga benepisyaryong tsuper.