Nagsagawa na ng testing ang Department of Transportation (DOTr) sa biyahe ng mga ferry mula sa Mall of Asia sa Pasay patungong Sangley Airbase sa Cavite.
Ipinabatid ito ni DOTr secretary Arthur Tugade matapos lumabas sa nasabing testing na 18 hanggang 24 na minuto lamang ang gugugulin sa nasabing biyahe.
Una nang inihayag ni Presidential spokesman Salvador Panelo na inatasan ng Pangulong Rodrigo Duterte si Tugade na tiyaking magiging operational kaagad ang Sangley Airbase sa Cavite matapos madismaya sa maraming delayed at cancelled flights sa NAIA nang magsagawa ng surprise visit kahapon.