Nagsagawa ng weight testing ang Department of Transportation sa mga light rail vehicles ng Metro Rail Transit, kagabi.
Ito’y bilang bahagi ng system audit ng mga inassemble na L.R.V. ng Dalian Locomotive and Rolling Stocks ng China at mabatid kung ligtas na gamitin ang mga bagon sa riles.
Kabilang sa weight-testing process ang serye ng mga hakbang mula sa installation ng weighing equipment, calibration, pagtitimbang sa empty at fully loaded trains.
Nakatakda namang ilabas ng DOTR ang resulta ng mga test sa susunod na dalawang linggo.