Naigawad na ng Department of Transportation (DOTr) at Philippine National Railways (PNR) sa mga kwalipikadong kontraktor ang tatlo pang nalabing kontrata para sa Clark Phase 2 project o ang Malolos-Clark extension ng North-South Commuter Railway System.
Ayon kay DOTr Secretary Arthur Tugade, ito’y patunay na kahit may nararanasang pandemya ang bansa ay umuusad ang ‘Build, Build, Build’ program ng pamahalaan.
Sinabi ni Tugade na sakop ng proyekto ang 17 kilometrong elevated rail viaduct, pitong balanced cantilever bridges, at dalawang station buildings sa Malolos at Calumpit sa Bulacan at Apalit at Minalin sa Pampanga.