Pumasok ang Department of Transportation o DOTr sa isang kasunduan sa Canadian company na Bombarier para sa pagbili ng mga signaling spare parts at maintenance ng Metro Rail Transit (MRT) Line 3.
Ayon kay Transportation Secretary Arthur Tugade, ang naturang kumpanya ang siyang magiging service provider ng spare parts at maintenance provider ng signaling system ng MRT.
Hindi na aniya nagkaroon ng bidding sa naganap na pakikipagkasundo sa Bombardier dahil mayroon itong propriety rights sa MRT – 3 bilang sila ang nagdisenyo at nagpatupad ng signaling system ng naturang tren.
Sa kabila nito, ang Japanese company na Sumitomo pa rin ang kanilang napipisil na maging bagong kabuuang service provider ng MRT – 3 matapos nilang putulin ang kontrata sa Busan Universal Rail Incorporated o BURI noong nakaraang taon.