Nanawagan ang liderato ng transportation department sa mga operator at driver ng mga public transport vehicles na seryosohin ang ginagawang paglilinis o disinfection sa mga iba’t-ibang mga sasakyan bilang bahagi ng health protocols kontra COVID-19.
Ayon kay Transportation Secretary Arthur Tugade nararapat lamang na ayusin ng mga naglilinis ang ginagawa nilang disinfection dahil nagtiwala ang publiko sa isang virus free na kanilang mga sasakyan.
Dagdag pa ni Tugade, bilang frontline service providers, dapat ay alam ng mga operator ng mga sasakyang ito na may malaki silang responsibilidad para makatulong na maiwasan ang banta ng virus.
Sa kabila nito, nanawagan din si Tugade sa publiko na tiyakin ding sumusunod ang mga ito sa umiiral na health protocols.