Naninindigan ang Department of Transportation (DOTr) sa desisyon na pagbawalan ang mga hindi pa bakunado kontra COVID-19 mula sa pagsakay sa public transportation sa Metro Manila sa ilalim ng Alert level 3.
Ang naturang desisyon ay ibinase umano sa resolusyon na inilabas ng Metro Manila Council (MMC) nuong nakaraang linggo.
Nakasaad sa Resolution no. 22-01 na ang lahat ng unvaccinated individual sa NCR ay pinagbabawalang sumakay sa mga pampublikong sasakyan.
Habang hindi naman kasama dito ang mga bumibili ng essential good at services ngunit kailangan pa rin magpakita ng patunay o katibayan sa paglabas ng kanilang tahanan.
Giit pa ng DOTr, ang nasabing resolusyon ay inaprubahan ng lahat ng Metro Manila Mayors at MMDA at suportado ng IATF.