Nilinaw ni Department of Transportation Secretary Jaime Bautista na tanging ang Light Rail Transit (LRT-2) pa lamang ang siguradong magpapatupad ng libreng-sakay sa mga estudyante kapag nagkaroon ng face-to-face classes.
Pero sinabi ni Bautista na irerekomenda rin ng DOTr na magkaroon ng libreng-sakay sa mga estudyante sa Metro Rail Transit (MRT-3) at sa Philippine National Railways (PNR).
Matatandaang, noong Miyerkules ay nag-inspeksyon sa mga tren ng MRT-3 si Bautista kung saan pinadaragdagan niya ng mga medical team sa bawat estasyon at pasilidad para sa mga senior citizen.