Magsisilbing pilot area sa pagpapatupad ng No Vaccination, No Ride policy ang National Capital Region o NCR.
Ito ang paglilinaw ng Department of Transportation o DOTr kasunod ng nakatakdang pagpapatupad nito sa susunod na Lunes, Enero a-17.
Sa virtual Press Briefing ng DOTr, sinabi ni USec. Artemio Tuazon, tanging sa Metro Manila pa lang ipatutupad ang naturang polisya dahil dito nakapagtala ng pinakamataas na kaso ng COVID-19.
Gayunman, nilinaw ni USec. Reiner Yebra na maaari pa ring sumakay ng pampublikong transportasyon ang mga hindi bakunado basta’t may hawak silang katibayan na essential o mahalaga ang kanilang paglabas.
Nanindigan ang DOTr na hindi discriminatory ang No Vaxx, No Ride policy lalo’t ang layunin nito na pigilan ang mas lalong hawaaan ng virus dulot ng Omicron variant. —ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)