Titingnan ng Department of Transportation (DOTr) ang mga hakbang na maaari nitong isagawa para mabakunahan ang mga transport workers laban sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Transportation Undersecretary TJ Batan, kaisa ng IATF , tinitiyak ng tanggapan na magiging maayos ang vaccination program.
Prayoridad din anilang bakunahan ang mga manggagawa sa mga tren gaya ng MRT-3 kung saan nakapagtala ng kontaminasyon ng COVID-19.
Matatandaang una nang inanusyo ng Malacañang na kasama sa priority list ng babakunahan ay ang mga transport workers .—sa panulat ni Agustina Nolasco