Aabot sa P123-bilyon ang nawawalang kita mula sa halos 2-milyon manggagawa na hirap makapasok dahil sa kakulangan sa transportasyon.
Dahil dito, hinimok ni Marikina Representative Stella Quimbo ang Department of Transporation (DOTr) na agarang solusyunan ang kakulangan sa pampublikong transportasyon upang makapasok na ng maayos ang mga manggagawa sa kanilang mga trabaho at mabigyan rin ng hanap buhay ang mga jeepney driver.
Samantala, sinabi naman ni Transportation Assistant Secretary Steve Pastor na nagsumite na sila ng recovery plan sa sektor ng transportasyon.