Pinalawig ni Transportation Secretary Jaime Bautista ang oras ng biyahe ng Metro Rail Transit Line 3, Light Rail Transit 2 at 1 sa gitna ng inaasahang pagdagsa ng mga pasahero ngayong kapaskuhan.
Dahil dito, asahan na ang mas mahabang oras ng operasyon ng tatlong rail lines simula ngayong Miyerkules, Disyembre 20 hanggang Sabado, Disyembre 23.
Kaya naman, 10:30pm na ang extended last trip schedule para sa MRT-3 sa North Avenue Station at 11:05pm naman ang extended last trip schedule sa Taft Avenue Station.
Habang 10:45pm ang extended last trip schedule sa LRT-1 Baclaran Station at hanggang 11pm sa Fernando Poe Jr. Station.
Samantala sa LRT-2, 10:00pm and extended last trip schedule sa Antipolo Station at 10:30pm ang extended last trip schedule sa Recto Station.