Target ng Department Of Transportation o DOTr na maging partially operable na ang PNR station sa bahagi ng San Pablo, Candelaria, Lucena at pagbilao sa Quezon Province bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay DOTr Secretary, Arthur Tugade, kaniyang ininspeksiyon ang mga nabanggit na lugar upang alamin ang mga kakulangan sa isinasagawang proyekto.
Aniya, nais ng pamahalaan na mapaikli ang oras sa biyahe ng mga pasahero mula Manila hanggang Bicol gamit ang regular trains.
Mula sa dating 14 hanggang 18 oras na biyahe ay magiging apat hanggang anim na oras nalang mananatili sa biyahe ang mga pasahero sa tulong ng PNR Bicol-Lucena station.— sa panulat ni Angelica Doctolero