Total rehabilitation ang gagawin ng Department of Transportation o DOTr sa Metro Rail Transit (MRT).
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nagkausap sila ni Transportation Secretary Arthur Tugade at nabanggit nito sa kanya na gumagawa na ng mga positibong hakbang upang mapabuti at maayos na ang serbisyo ng MRT – 3.
Kabilang aniya sa hakbang ay isailalim sa total rehab ang MRT, kung saan magpapalit ng mga bagong riles at bibili ng mga bagong train car.
Balak din ng DOTr na ayusin ang signaling system ng MRT bilang bahagi ng ikakasang complete rehabilitation habang magsasagawa din ng safety audit.
Kukuha din ng mapagkakatiwalaang contractor upang masolusyonan ang systematic problem sa naturang railway system.