Target ng DOTr o Department of Transportation na magdagdag ng apatnapu (40) pang ruta ng P2P o Point-to-Point bago matapos ang taong 2017.
Gayunman, hindi na nagbigay ng karagdagang detalye ang DOTr hinggil dito.
Sa kasalukuyan, ang ruta ng P2P ay ang mga sumusunod:
- Trinoma / Centris to Glorietta 5 sa Makati;
- Robinsons Galleria, Pasig City to Park Square sa Makati;
- Alabang Town Center to Greenbelt;
- SM North Edsa to SM Megamall;
- Fairview to Makati;
- Alabang to Ortigas;
- Starmall Alabang to Vista Mall Daang Hari sa Bacoor, Cavite; at
- Starmall Alabang to Dasmariñas, Cavite.
- Meann Tanbio