Pinag-aaralan na ng Department of Transportation (DOTr) na magsagawa ng covid-19 vaccination sa ilan pang matataong lugar sa bansa.
Ayon kay Transportation Undersecretary Artemio Tuazon Jr., gagawin ito sa mga terminals, istasyon ng tren at maging sa expressways.
Maging si Transportation Secretary Arthur Tugade ay nagbigay na ng bilin sa Toll Regulatory Board (TRB) para rito.
Habang nakikipag-usap na ang DOTr sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) para sa pagbabakuna sa mga drivers at operators.
Epektibo ng ‘no vaccine, no ride’ policy hanggang nasa ilalim ng alert level 3 ang Metro Manila. —sa panulat ni Abigail Malanday