Nagsagawa ng surprise inspection si Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista sa iba’t ibang istasyon ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).
Ang naturang inspeksyon ay para makita umano ang sitwasyon sa lahat ng istasyon ng MRT-3 para maranasan ang araw-araw na byahe ng tren sa mga pasahero.
Binisita ni Bautista ang tatlong istasyon ng MRT-3 at sumakay sa tren simula Kamuning station hanggang Taft Avenue station.
Napansin ng kalihim sa mga istasyon na kailangan madagdagan ang mga waiting seats para sa mga senior citizen, PWDs at mga buntis.
Gayundin ang pagdagdag ng mga x-ray machine at paghikayat sa publiko na gumamit ng beep cards upang mabawasan ang mahabang pila. —sa ulat ni Raoul Esperas (Patrol 45)